Friday, June 17, 2011

Musika

O anong ligaya kapag ika'y naririnig
Na para bang dinadala sa dulo ng daigdig
Ang mga relikya ay muling nagbalik
at kalakip noon ang aking unang pag-ibig

Minsan pa ngang iyong dinamayan
Sa oras na ako'y malungkot at humihikbing
Ang saya at aliw na iyong pinaparating
ay tunay na grasya at gintong sining

Walang pakpak ngunit ako'y nasa himpapawid
Hindi patay para mapunta sa langit
Ako'y iyong binabaliw sa iyong mga himig
sana'y ibalik mo din ako sa tamang pag-iisip

Ang mga tao sa likod ng iyong mga liriko
ay mga makata at batikan na ang ibig ay ika'y gawin
Ang marilag na tulad mo'y huwag sanang baliwalain
dahil ikaw ay walang kapalit at walang kahambing

(MuzikA†)

2 comments: