Friday, June 17, 2011

Anghel sa Lupa

Bakit ka nga ba nandito't kasama ko?
Ako na hindi nararapat para sa iyo....
Ako ay isa sa mga kilalang makasalanan
Kaya ba't ako pa ang napiling samahan?


Ang iyong malalambing na mga tingin
ay tila isang panaginip at tila ayaw ko ng magising
Sa mga ngiti mong nang-aakit at nangkikitil
alam ko na ikaw ay isang anghel na pinadala sa akin


Ang bawa't minuto ay naging isang pantasya
ako'y biglang napaisip pwede ka bang makilala?
Nag-antay ako ng tiyempo upang bumwelo
ngunit ikaw nga pala'y anghel at lumipad palayo..


Nang ako na'y nagising mula sa aking kahibangan....
Ako't ikaw ay biglang naging mga psahero lamang
Asar! Bakit ba kasi ako'y nanaginip ng makita ka!
Tinanong ang sarili bakit di nga ba sinubukan?

2 comments: