Saturday, June 18, 2011

Matalik na Kaibigan

Isang gabi ng kasiyahan
sa kaarawan ng isang kaibigan
ika'y naroon at aking nasilayan
at tayo'y nag-usap at nagkulitan

di nga nagtagal tayo'y naging magkaibigan
may samahan na tunay at hindi nag-iiwanan
sa dami ng mga problemang pinagdaanan
alam natin na pinagtitibay lang nito ang ating samahan

Sana samahan natin ay huwag  mag-iba
dahil walang sino man sa atin ang makagigiba
kahit na tayong dalawa ay pawang magkaiba
ito'y isang paraan para punan ang kulang ng isa

ilang taon na ngayon ang lumipas
ang pagkakaibigan ay hindi pa din kupas
tanda lang ito na kahit man ang oras
ay hindi pwede humadlang sa samahang wagas







Payasong Umiibig

Tingin nila ako'y walang pakiramdam
Isang tao na lagi parang na sa kawalan
Ngunit sa totoo lang hindi nila alam
Ako'y may puso at ito'y nakalaan


Kung kanino ay iyon ang hindi ko alam
Maaring sa isa at maaaring sa pangkalahatan
Isa sa iniibig at pangkalahatan sa mga kaibigan
Ako'y estranghero pagdating sa ganitong usapan


Nakangiti ngunit malungkot ang kalooban
bakit nga ba ayaw kong magparamdam?
kung ang lahat naman ay iyong makikita
sa mukha kong payaso sigurado'y di maniniwala


Ngayon ako'y nasa entabladong muli
Iyong makikita punong-puno ng ngiti
Ngunit ang hindi alam ay sa bawa't saglit
Akin paring hinahanap ang aking binibini